‫ﻣﻔﻬﻮم اﻟﻌﺒﺎدة ﻓﻲ اﻹﺳﻼم‬ ‫‪Ang konsepto‬‬ ‫‪ng‬‬ ‫‪pagsamba sa‬‬

‫‪Islam‬‬

‫اﻟﻤﺆﻟﻒ‪:‬‬ ‫اﻟﻨﺪوة اﻟﻌﺎﻟﻤﻴﺔ ﻟﻠﺸﺒﺎب اﻹﺳﻼﻣﻲ‬

www.islamhouse.com

Copyright © This book is not copyrighted. Any or all parts of this book may be used for educational purposes as long as the information used is not in any way quoted out of context or used for profit. This material has been reviewed and forwarded for publishing and distribution by the Filipino language section of the Department of Islamic Resources. Form #: 2415 Date: 16/06/2006 If you have any corrections, comments, or questions about this publication, please feel free to contact us at: [email protected] www.islamhouse.com

2

www.islamhouse.com

Ang konsepto ng pagsamba sa Islam

Ang konsepto ng pagsamba sa Islam ay lihis na nauunawaan ng maraming tao gayon din naman ang ibang Muslim. Ang pagsamba ay pangkaraniwang itinuturing na nangangahulugan ng pagsasagawa ng mga gawaing ritwal katulad ng pagdarasal, pag-aayuno, pagkawanggawa, atpb. Ang ganitong natatakdang pang-unawa ng pagsamba ay isang bahagi lamang ng kahulugan ng pagsamba sa Islam. Ang tradisyunal na pagsamba sa Islam ay isang malawak na kahulugan na nagtataglay ng lahat halos na mga bagay sa mga gawain ng isang tao. Ang pakahulugan ay nagsasaad ng ganitong bagay "Ang pagsamba ay isang pangkalahatan at piling kataga ng lahat ng mga iniibig ng Diyos sa panglabas at pangloob ng mga salita at gawa ng isang tao" Sa madaling sabi, ang pagsamba ay lahat ng bagay na ginagawa o sinasabi ng tao para sa kasiyahan ng Diyos. Ito, alalaong baga, ay nagtataglay ng mga ritwal, gayun din ang paniniwala, mga gawaing panglipunan at mga pansariling ambag para sa kapakanan ng bawa't kapwa tao. Ang Islam ay tumatanaw sa isa bilang kabuuan. Siya ay kinakailangan na ganap na magpaubaya ng kanyang sarili sa Allah sapagkat ang Koran ay nag-utos na gumawa nito sa Propetang si Muhammad "Ipagbadya (O Muhammad) ang aking pagdarasal, ang aking pagsasakripisyo, ang aking buhay at aking kamatayan ay para sa Allah, Siya ay walang kahati (sa pagka-Diyos) at ako’y pinag-utusan. At ako ay una na mapabilang na tumatalima sa Kanya, bilang isang Muslim". Ang natural na kalalabasan ng ganitong pagtalima ay ang lahat ng gawain ng bawa't isa ay nararapat na umayon sa lahat ng mga tagubilin ng Tanging isa kung saan ang tao ay tumatalima. Ang Islam, bilang paraan ng buhay ay nagtatakda sa kanyang mga turo sa lahat ng anggulo, pangrelihiyon man o hindi. Ito ay maaaring maituring na bago sa ilang tao na nag-iisip ng mga relihiyon ay ugnayan ng tao at sa Diyos, na walang kinalaman sa gawain ng tao sa labas ng mga rituwal. Bilang isang bagay na katotohanan, ang Islam ay hindi nag-uukol ng husto sa mga ritwal kung ito’y isinasagawa bilang pagsunod lamang at walang naitatanim na katuruan sa pangloob na pamumuhay ng tao. Ang Koran ay nagpapahayag sa mga nanampalataya at sa kanilang mga kapitbahay mula sa mga ‘Angkan ng kasulatan’ na nakikipagtalo sa kanila tungkol sa pagbabago ng direksyon ng Qiblah sa mga sumusunod na talata. "Hindi isang kabutihan na iharap mo ang iyong mukha sa Silangan o Kanluran, subali't mabuti siya na sumasampalataya sa Diyos at sa Huling Araw at sa mga Anghel at sa Aklat at sa mga Propeta; at nagkakaloob ng kanyang yaman dahil sa pagmamahal sa Kanya, sa kanyang kaanak at sa mga ulila at nangangailangan at sa naglalakbay at sa mga humihingi, at nagpapalaya ng mga alipin, at nagsasagawa ang tamang pagsamba at nagbabayad ng Zakah. At mga tumutupad ng kasunduan kung siya’y nangako. At may pagtitimpi sa panahon ng pagsubok at kasiphayuan at pagdurusa; sila ang matatapat, sila ang may pagkatakot sa Diyos". (Qur’an 2: 177) Ang mga gawa sa mga talata sa itaas ay mga gawa ng kabutihan at ito’y isang bahagi lamang ng pagsamba. Ang Propeta ay nagsabi sa atin tungkol sa pananampalataya na siyang basihan ng pagsamba, at ito ay, "binubuo ng animnapo at higit pang sanga na ang pinakamataas doon ay ang pananampalataya sa kaisahan ng Allah alalalong baga wala ng ibang Diyos maliban sa Allah at ang pinakamagaan sa timbangan, ang pagsamba ay ang pag-aalis ng balakid at dumi sa daanan ng mga tao".

3

www.islamhouse.com

Ang isang marangal na gawain ay itinuturing sa Islam bilang isang uri ng pagsamba. Ang Propeta ay nagsabi 'Kung sinuman ang nakadarama ng pagkapagod dahil sa kanyang gawain, pagsapit ng dilim ang Diyos ay magpapatawad ng kanyang kasalanan'. Ang paghahanap ng karunungan ay isa sa mga pinakamataas na uri ng pagsamba. Ang Propeta ay nagsabi sa kanyang mga kasamahan, Ang paghahanap ng karunungan sa isang oras ay higit na mabuti kaysa pagdarasal ng pitumpung taon. Ang panglipunang paggalang at pakikiisa ay mga bahagi ng pagsamba kung ito’y ginawa para sa kapakanan ng Allah, tulad ng sinabi ng Propeta sa atin "ang pagtanggap sa iyong kaibigan na may ngiti ay isang uri ng pagkawanggawa, ang tumulong sa isang tao na masikhay ang kanyang alagang hayop ay isang pagkawanggawa at maglalagay ng tubig sa banga ng inyong kapitbahay ay isang pagkawanggawa". Dito nga’y mahalaga na mabigyang diin na kahit na ang pagsasagawa ng mga pangsariling katungkulan ay ituturing na paraan ng pagsamba. Ang Propeta ay nagwika sa atin na maging anupaman ang gugulin ng isang tao para sa kanyang pamilya ay isang uri ng pagkakawanggawa, siya ay magagantimpalaan kung ito ay nakamit niya sa legal na paraan. Ipinahayag sa atin ng Propeta na ang kabutihan ng isang tao sa mga kabilang ng kanyang pamilya ay isang kilos ng pagkawanggawa katulad ng pagsusubo ng kapirasong pagkain sa bibig ng kanyang asawa. Hindi lamang ito kundi maging yaon mang mga paggawa ng labis nating kinasisiyahan kung ito’y isinasagawa ng ayon sa mga tagubilin ng Propeta, ito ay mga itinuturing ng mga kilos ng pagsamba. Ang Propeta ay nagwika sa kanyang mga kasamahan na sila ay magagantimpalaan kahit na sa kanilang pakikipagtalik sa kanilang mga asawa. Ang kanyang kasamahan ay namangha at nagtanong “Paano kami magagantimpalaan sa paggawa ng mga bagay na labis naming kinasisiyahan?” Ang Propeta ay nagtanong sa kanila “Kung sakali kayang binigyan ninyong kasiyahan ang inyong pagnanasa sa di-legal na paraan, hindi baga ninyo napag-iisip na kayo’y mapaprusahan dahil doon?” Sila’y nagsisagot, “tunay nga “ “Kaya nga” at siya’y nagwika “Kung binibigyan ninyong kasiyahan ang inyong pagnanasa ng legal sa inyong mga asawa, kayo ay gagantimpalaan doon” Ito ay nangangahulugan na ang mga yaon ay mga kilos pagsamba. Samakatuwid, ang Islam ay di-nagtuturing sa pakikipagtalik bilang isang maruming bagay na nararapat iwasan. Ito ay marumi at kasalanan lamang kung ito ay binibigyang kasiyahan ng labas sa buhay may-asawa. Mula sa mga nabanggit na maga pagtalakay, ito ay maliwanag na nagpapakita na ang konsepto ng pagsamba sa Islam ay isang pangkalahatang konsepto na nagtataglay ng lahat na matutuwid sa gawain ng tao, ito sa makatuwid ay naaayon sa pangkalahatang kasakupan na kalikasan ng Islam bilang daan ng buhay. Ito ay nagtutumpak sa buhay ng tao sa lahat ng antas; ang indibidwal, ang lipunan, ang kabuhayan, ang pulitikal at ang ispiritwal. Dahil dito, ang Islam ay nagbibigay ng patnubay kahit sa pinakamaliit na detalye ng pamumuhay ng tao sa lahat ng antas. Samakatuwid, ang pagsunod sa mga ganitong detalye ay pagsunod din sa mga tagubiling pang Islamiko sa gayong piling kasakupan. Ito ay lubhang isang nakapagpapasiglang elemento kung ating nauunawaan na ang lahat ng ating mga gawain ay itinuturing ng Diyos bilang mga gawa ng pagsamba. Ito ay nararapat na mag-akay sa isang tao upang hanapin niya ang kasiyahan ng Allah sa pamamagitan ng kanyang mga gawain at laging dapat siyang magsumikap na maisagawa ito sa pinakamabuting paraan kahit siya’y nakikita o hindi ng nakakataas sa kanya o kung siya’y nag-iisa. Lagi ng may laang Tagapagmasid, na nakakaalam ng lahat, alalaong baga’y ang Allah.

4

www.islamhouse.com

Ang pagtalakay ng mga una sa mga di-rituwal na pagsamba ay hindi nangangahulugan ng di pagbibigay kahalagahan ng mga ritwal. Sa katotohanan ang mga ritwal na pagsamba kung isinasagawa ng taos sa puso ay nagtataas sa tao sa pagiging moral at ispiritwal at nakakatulong sa kanya upang maisagawa niya ang kanyang mga gawain sa lahat ng galaw ng buhay, ayon sa patnubay ng Diyos. Sa mga gitna ng mag ritwal na pagsamba ang Salah (ang ritwal na panalangin) ay naghahawak ng natatanging tanda ng isang nananampalataya. Pangalawa, ito ay humahadlang sa isang tao sa lahat ng uri ng kasamaan at mga bisyo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na magkaroon ng tuwirang pakikipanig sa kanyang Lumikha ng limang beses sa isang araw kung saan siya ay nagpapanibago ng kanyang kasunduan sa Diyos at humahanap ng kanyang patnubay ng paulit-ulit. “Tanging Ikaw lamang ang aming sinasamba at Tanging sa Iyo lamang kami hamahanap ng kalinga. Patnubay Mo kami sa matuwid na landas” (Qur’an 1:5-6). Sa Katotohanan, ang Salah ang unang praktikal na pagmamalas ng pananampalataya at siyang pinakapili sa mga basihang pangangailangan para sa pagtatagumpay ng mga mananampalataya. Tunay ngang magtatagumpay ang mga nanampalataya na magpapakababa sa kanilang mga pagdalangin (Qur’an 23: 1-2). Ang gayon ding katotohanan ay binigyang diin ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan) sa ibang paraan. Siya’y nagwika, Ang mga nagsipag-alay na kanilang panalangin (Salah) ng maagap at may mataos na pagpapahalaga ay makakatagpo ng liwanag ang katunayan ng kanilang pananalig ay magiging sanhi ng kanilang kaligtasan sa Araw ng Paghuhukom. Kasunod ng Salah, ang Zakah (tulong pangkawanggawa) ay isang mahalagang haligi ng Islam. Sa Qur’an ang Salah at Zakah ay malimit ng binabanggit na magkasama. Tulad din ng Salah, ang Zakah ay naglalarawan ng pananalig na nagpapatunay na ang Diyos ang Siyang tanging may-ari ng lahat ng bagay sa sangtinakpan at kung at ang Diyos ang gumawa sa kanila upang paglagakan at ipamahagi ito ng ayon sa Kayang kautusan. “Manampalataya kayo sa Allah at sa Kanyang sugo at gumugol sa mga bagay na ipinagkatiwala sa inyo”. (Qur’an 57:7). Bukod pa rito, ang Zakah ay isang paraan na pagbabahagi ng kayamanan, sa paraang ito’y nakakabawas sa agwat ng pamumuhay ng iba't ibang uri at pangka't. Ito’y nakapag-aambag ng makatarungan sa katatagan ng lipunan. Sa pamamagitan ng paglilinis sa kaluluwa ng mayaman sa pagiging makasarili at sa kaluluwa ng mahirap sa pagkainggit at pagkasuklam laban sa lipunan, ito ay pumipigil sa lahat ng daan at humahantong sa pagkamuhi sa mataas na lipunan at nakakagawa na ang bukal ng pagkakapatiran at pagkakabuklod ay dumaloy. Ang gayong katatagan ay hindi lamang nababatay sa pangsariling damdamin ng mayayaman: ito ay nakatindig sa isang di-natitinag at binuong karapatan na kung ipagkakait ng mayayaman ay maaaring kunin sa pamamagitan ng dahas kung kinakailangan. Ang Siyam (pag-aayuno sa araw ng panahon ng buwan ng Ramadan) ay isa pang haligi ng Islam. Ang pangunahing ginagampanan ng pag-aayuno ay upang gawaing dalisay ang Muslim sa ‘pangloob’ kung paano ang ibang pananaw ng Shariah ay nagpapadalisay sa kanyang panglabas. Sa pamamagitan ng gayong kadalisayan, siya ay tumutugon sa kung ano ang tama at mabuti, at nagtatakwil sa mga kalisyahan at kasamaan. Ito ay ating mauunawaan sa mga talata ng Koran:

5

www.islamhouse.com

“O kayong nagsisisamapalataya, ang pag-aayuno ay iginawad sa inyo kung paano rin naman iginawad sa mga nanga-una sa inyo upang kayo’y magkamit ng kabanalan at mapaglabanan ang tukso”( Qur’an 2: 183). Sa isang mapapanaligang tradisyon, ang Propeta ay nag-ulat na ang Allah ay nagwika “Bilang pag-uukol sa Akin, siya ay nagtitimpi sa pagkain, pag-inom at pagbibigay kasiyahan sa kayang pagnanasa”. Dahil dito ang kanyang magiging gantimpala ay naaayon sa dakilang biyaya ng Diyos. Ang pag-aayuno, samakatuwid ay nakapagpapagising sa konsiyensya ng isang tao at nagbibigay ng kanyang nasasakop upang maisakatuparan ng lahat ng lipunan ng may samasamang pagdaranas sa magkatulad na panahon, at alalaong baga. Ito’y nakapagdaragdag pang lalo sa lakas ng bawa't tao. Bukod dito, ang pag-aayuno ay nagbibigay ng sapilitang pahinga sa pagod na makina ng tao sa panahon ng isang buwan. Gayon din naman, ang pagaayuno ay nakapagpapa-alala sa tao sa mga taong salat sa pangangailangan sa buhay sa habang taon o sa habang buhay. Ito’y nakapagpapagunita sa kanya sa mga tinitiis ng iba, ng kapus-palad na kapatid sa Islam at samakatuwid ay nag-aatas sa kanya sa pagkakaroon ng pagdamay at kabutihan sa kanila. Ang panghuli, ang Hajj (Pagdalaw sa Tahanan ng Diyos sa Makkah) Ang lubhang mahalagang bahagi ng Islam na ito ay nagtatanyag ng natatanging pagkakaisa na nagtatakwil sa lahat ng uri ng pagkakaiba. Ang mga Muslim, sa lahat ng sulok ng mundo, ay nagsusuot ng magkakatulad na damit at tumutugon sa panawagan ng Hajj sa iisang tinig at salita: LABBAIK ALLAHUMMA LABBAIK (Narito ako, O Panginoon upang paglingkuran Kayo). Sa Hajj ay mayroong pagpapatupad na pangsariling disiplina at pagtitimpi, na hindi lamang ang mga sagradong bagay ang pinapapapurihan kundi maging, ang mga halaman at ibon ay ginawang huwag mapuksa upang ang lahat ay mamuhay ng ligtas. “At siya nagpapuri sa mga bagay na sagrado sa Diyos, ito ay nakakabuti sa kanya sa paningin ng kayang Panginoon”, (Qur’an 22:30), “At siya na nagpupuri sa mga Tanda ng Diyos, katotohanang ito ay debosyon mula sa puso”. (Qur’an 22:32). Ang piligrimahe ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga Muslim mula sa lahat ng mga pangka't, uri, samahan, at pamahalaan sa buong mundo na magka-samasama sa bawa't taon sa dakilang pagtitipon. Ang panahon at pook ng ganitong pagtitipon ay itinakda ng kanilang tanging Diyos. Ang paanyaya upang dumalo dito ay bukas sa lahat ng Muslim. Sino man ay walang kapamahalaan upang hadlangan ang sinuman. Ang bawa't Muslim na dumalo ay ginagarantiyahan ng lahat ng kaligtasan at kalayaan sa buong panahon malibang siya ay lumabag sa pagiging ligtas nito. Samakatuwid , ang pagsamba sa Islam maging ritwal o di-ritwal ay nagtuturo sa tao sa gayong paraan na ibigin ng higit ang kanyang Tagapaglikha at sa gayon ay makapagtmasa siya ng dinagmamaliw na adhika at pagnanasa na maitakwil niya ang kasamaan at paniniil sa lipunan at magawa niya ang salita ng Diyos ang makapangyarihan sa sangtinakpan. Ang iba pang babasahin sa Islam: T.B. Irving, at iba pa: Ang Qur’an: Ang Pangunahing Aral Hamuda Abdulati: Ang Islam sa Pananaw M. Qutb: Islam: Ang Di nauunawaang Relihiyon Maudoodi: Tungo sa Pagka-unawa ng Islam

6

www.islamhouse.com

-

Maurice Bucaille: Ang Biblia, Ang Qur’an at Agham Suzanne Haneef: Ano ang Dapat malaman ng Lahat Tungkol sa Islam at sa Muslim

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Islam, makipag-ugnay lamang sa Punong Tanggapan ngt WAMY sa Riyadh at sangay na tanggapan sa Jeddah. WAMY, P.O. Box 10845, Riyadh 11443 Saudi Arabia. Tel: (01) 464-1669/465-5431 WAMY, P.O. Box 8856, Jeddah, Saudi Arabia. Tel.: (02) 689-1962 O sa pinakamalapit na Kilusang Pang-Muslim o Sentro sa inyong pook

7

ang-konsepto-ng-pagsamba-sa-islam.pdf

sa daanan ng mga tao". Page 3 of 7. ang-konsepto-ng-pagsamba-sa-islam.pdf. ang-konsepto-ng-pagsamba-sa-islam.pdf. Open. Extract. Open with. Sign In.

112KB Sizes 10 Downloads 235 Views

Recommend Documents

No documents