CITY SCHOOLS DIVION OF OMMARk

I Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

DATE & :

Rehiyon IV - A CALABARZON

Dibisyon ng Panlunsod na mga Paaralan ngDasm

- S

PANDIBISYONG MEMORANDUM Sa mga:

Pangalawang Tagapamanihala ng mga Paaralan Hepe ng Kurikuluml Hepe ng Pampaaralang Pamamahala Tagamasid Pansangay /Tagamasid Pampurok Pampublikong /Pampribadong Punong-guro ng Paaralang Elementarya at Sekundarya Dalubguro/Ulong-guro/ Susing-guro/Guro sa Elementarya at Sekundarya Altematibong Pamamaraan sa Pagtuturo (ALS)

__j at4A-2

Buhat kay:

MANUOENTINO, E/ Tagapamanihala ng mga Paaralan

Paksa:

PLYESA NG BALAGTASAN PARA SA PAGDIRI WANG NG BUWAN NC WIKA

Petsa:

12 Hulyo, 2017 Ipinababatid ang piyesang gagamitin para sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay ang

sumusunod: Antas Elementarya," Pagbabago: Katuwang o Sagwil sa Kalikasan at Kaunlaran ng Bayan"; 2. Antas Sekundarya," Ang kasangkapan ng Bagong Henerasyon Saan Ka sa Darating na Panahon?"

Kalakip nito ang sipi ng piyesa. Hinihiling ang dagliang pagpaparating sa mga kinauukulan ng mga impormasyong nakapaloob sa Memorandum na ito.

Antas Elementarya Pagbabago: Katuwang o Sagwil sa Kalikasan at Kaunlaran ng Bayan? Sinulat ni: Dr. Eulalia I. Marquez PSDS, Cluster 1

Lakandiwa:

Magandang araw p0 sa lahat ng mga naririto. Kami'y nagpupugay tapat na sumasainyo Bigyang daan natin ang dalawang nagtatalo Sagwil nga ba sa kaunlaran at kalikasan itong mga pagbabago?

Ito pong inyong lakandiwa ang siyang naatasan Na sa ating paksa ay siyang maging tagapamagitan Pagbabago/teknolohiya nga ba'y sagwil sa kalikasan o katuwang sa kaunlaran nitong ating bayan?

Masigabong palakpakan hiling ko sa madla Balitaktakan at opinion ay magsipagsimula Tingnan ang bawat panig limiin ang bawat salita Pag- isipan ang tinig katwiran ay kanino nga?

Ang unang titindig at mangangatwiran ang pagbabago claw ay sagwil sa kalikasan teknolohiya umano ay di daan sa kaunlaran pagkat pumapatay sa ating kalikasan.

Sagwil ang Pagbabago:

Sinasabi ko sa inyo, pagbabago'y sagwil sa kaIikasan Usok ng sasakyan, pabrika at mga minahan. Mga nuclear power at mga "atomic bomb" Hindi ba't polusyon ang hatid sa bayan silbing sandata nitong digmaan sa kasalukuyan?

Kung minsan, teknolohiyang celfon ang siyang dahilan Mga "pin code" sa "atm" "call center" at mga "on line" Naging daan sa kasawian ng ating mga kabataan Makikipag "eye ball" lang daw ang tanging paalam Di na muling nakabalik pa sa kanilang tahanan

Pagbabago sa kabihasnan pati ugali'y nakisabay Halik na pagbati na dati'y mano p0 inay/itay Ni ang po at opo sagot nang paggalang Bihira na ngayon kaysa karaniwan. lyan kuno ang uso pagbabago kung tagurian

Pagbabago katuwang sa kaunlaran:

Halal, usok agad ang pinagbintangan, mga pabrika at mga minahan? Nakalimot ka na ba aking kaibigan na dito nanggaling inyong kabuhayan Mula sa pagmimina ika'y nakapag-aaral, mabilis na biyahe dahil sa sasakyan. Komunikasyon ay bumilis " maging nasan ka man? Agad mong natatanggap, ang alawans na kailangan.

Maging sa pagkain , at mga gawain, lahat ay gumaan di maililihim Nakakapagsaliksik gamit ang" Internet "modernization ay nasa paligid. Teknolohiya'y gamit maging sa medisina agad nasisilip ibat-ibang sakit Ultrasound, MRI , X'ray ,lazer at iba pa nakatutulong di mo ba nababatid? Katwiran lamang aking nasasambit payo ko sa iyo ay mag-isip isip.

Huwag sagkaan mga pagbabago bagkus ay gamitin na katuwang ito. Minahan nga ba ang problema o nasa nagpapatupad nito? Katapatan, kaayusan ,malasakit sa kalikasan lyan ang tandaan mo Magsaliksik ng pantulong upang mailigtas itong mundo. Siyensiya at teknolohiya, daan ng ating pag asenso.

Dahil sa CCTV, nahuli ang mga criminal May mga alarma sa ating tahanan Gayundin naman sa mga seminar Sa tulong ng 'power point" panayam ay gumaan Ano pa ang nais aking kaibigan?

SagwiI ang Pagbabago:

Bakit di mo makita aking katwiran na ang pagbabagoy sagwil sa kalikasan? Di mo ba nakikita mga kaganapan at mga pangyayari sa kapaligiran? Wala nang respeto mga kabataan, di na nag uusap mag-anak sa tahanan Internet/ facebook/ google /telebisyon/ at cellphone ang tangan Lahat na binabago siyensya ang dahilan, mapa kalikasan pati kasarian.

Mga subdivision ang dulot ay baha at nauubos na, ang aning sagana Lahat apektado ng mga pagbabago, panganib na dulot hindi alintana Mga pagbabago mula sa teknolohiya, gayundin naman ang sanhi ng siyensiya Kaunlaran nga bang matatawag kahit na ang kalikasan ay ma upasala? Kalikasan ay igalang, 'wag pagsamantalahan ,maging Iigtas tayo lagi tuwina.

Pagbabago katuwang sa kaunlaran:

Magtanim ng halaman sa ating bakuran kahit na sa paso Bulaklaking halamanan, mga gulay, maging mga puno Magbanat ng buto, kilos na aking mga katoto Teknolohiya,siyensya, kaunlaran man ang gusto Pagbabagong may disiplina pagbabagong may puso

Kalikasan ay mahalin, huwag pagsamantalahan Pagbabago'y sagwil sa kalikasan at kaunlaran Kung pansarili ang hangad at hindi sa kalahatan Baha at mga kalamidad, sanhi na rin ng kapabayaan Makialam tayo dapat, pagkat atin din ang pakinabang.

Lakandiwa: Ating narinig mga pinaghuhugutan, pagbabago; daan sa kaunlaran Gayundin naman ang teknolohiya at pagbabago ; sagwil sa kalikasan Timbangin: tama at mali ang bawat pananaw sino sa kanila ang may katwiran Isaisahin ang mga aspeto; mula sa pagbabago dulot nga ba'y kaunlaran? 0 ang pagbabago ang sagabal upang mapagyaman itong kalikasan.

Gamitin ang teknolohiya sa pagpapaunlad ng kal;kasang mana Kailangan ang disiplina sa sarili, pamayanari at pamilya Magkatuwang na pagbabago ,kaunlarang sama-sama Sundin ang batas na pinatutupad, iwasan ang pagmimina. Sa halip ay pagyamanin at ipagmaaki sa mga turista Pagbabago nga ba'y sagwil sa ating kaunlaran?

o sa ating kaunlaran pagbabago ang daan? Sa ating narinig at mga napakinggan Alin sa daiawa ang higit na matimbang Kayo na ang humatoi kung sino ang may katwiran!

Antas Sekundarya Ang kasanykapan ng Bagong Henerasyon Saan ka sa Darating na Panahon?

Paksa: "Ang pamamahagi ng Condom sa mga pampublikong paara Ian" PAN I MU LA Lakandiwa-

:

Ako P0 ang lakandiwa na may matalas na dila Inutusang pumagitna sa magaganap na hidwa Atin pong matutunghayan, mahigpit na tunggalian Habang ang mga ginoo, dito'y nagsisipaglaban Hindi ako ang hahatol kaya huwag pong pupukol Ayaw ko ni sa hinagap ng kahit anumang bubukol Hindi biro ang humarap, sa ganitong kaasalan Kaya dapat silang bigyan malakas na palakpakan Ang taong may kabanalan o ang taong marunong claw Ang tamang pangangatwiran sino ang mangingibabaw Bibigyang linaw po nila, isyung napakainit pa Pihadong matutuwa ka, lahing adan ngingisi na Isang paalala lamang, bata't may murang isipan Kayo po ay umuwi na, baka hmndi maibigan, Mga maseselang bagay, baka nila'y masumpungan Patnubay p0 ng magulang ang higit na kailangan Sa Paksang pag-uusapan ang "Condom" sa paaralan Ipapamamahagi na claw ang sagot sa kahirapan Paniwalang kumokonti, moral na aral na bali Sa kanila'y ngumingiti, liberal na piling pili kilala si Magdalena, sa lipunang nagdurusa kaysa kay Maria Clara, ngayon ay etsapuwera huwag nang pakahabain tawagin ipakilala Kayo po'y pumagit na labanan'y umpisahan na.

Konserbatibong: Pananaw

Sa aking makakalaban, panauhin sa tanghalan Sa ginoong lakandiwa huradong mangangasiwa Kakayahang pinagpala, na malaki ang tiwala Ako p0 ay natutuwa, higit na mananariwa At makasama ko kayo, sa araw ng pagpapala Isang magandang araw po, ang aking pagsisimula Amin pong iginagalang, ang pangaral ng magulang Dito ang salitang moral, ang pagtutumbas ay dangal Dahil ang turo nila'y, nanatili sa isipan Manatiling kabanalan lagi pong tinatandaan Upang hindi malimutan, ang moral na iniingatan Sabi ng aking inang, buhay mo katumbas niyan

Pahina 1

Pag-uusapang immoral ako po'y di makapabor Lalo't ang kabataan po, siyang gamiting pang-arbor Napakalupit naman pong, isakay sila sa bapor Nang maruming kaisipan, nang mga taong diktador Pahalagahan ang tugon sa naghihingalong nasyon Hindi p0 sagot ang condom, paglobo ng populasyon

Malayang

:Ang liberal ng lipurian, ang kabataang milenyal

Kaisipan

Pagsaludo sa harapan, nang may pagbibigay galang Sa Lakandiwang mararigal, huradong iginagalang panauhin sa tanghalan, bisita't mga magulang Aking pagbati sa inyo, ito'y tunay at totoo Isang magandang araw p0, pati sa mga katoto Sawang sawa na p0 ako, samu't saring karahasan lyang usaping sekswal, bago pa ba sa lipunan? May mas gagrabe pa ba dyan, sa digmaang nasaksihan. Hindi p0 lingid sa lahat, maging musmos pa man iyan Unti-unting nawawala, inosenteng kabataan Di ba dapat ikatuwa, hindi na tayo mulala Nais ko pong ipaglabari, ang aming karapatan lyong may patas na laban, tulad ng wika ni Pacman Pabor ako sa tinurari, dapat na pong ipaalam Condom ipamamahagi sa maraming paaralan Dito ay walang masama at makakatulong pa nga Bakit nila haharangan? Imbes pasulong ay baba?

Lakandiwa

: Tila may hugot sa dila, mukhang malalim ang hiwa Nagpakilalang makata, mahusay at dalubhasa Walang itulak ikabig, matatalas pa ang bibig Muling pumagitna kayo, ipagtanggol kinabig nyo Subukan talino't tatag ipamalas utak pantas Huwag maging talipandas, hikayatin lahat itaas

Konserbatibong

Pananaw

:Ako po ay hindi hangal, hindi tulad ng karibal Bulag sa katotohanan, mangmang pa sa kaalaman Wala na ang kabanalan, sa plastik nating lipunan. Nasaan na ang iyong D'yos, kamunduhan ang nilimos Bakit sila papayagan mabuo sa kabataan maging salot ng kamunduhan. alipin ng pag-uulayaw

Pahina 2

Balak pa ninyong ituro, pagsusuot niyan kamo Gamitin ang paaralan. Sa makamundong kasalanan Ano kayo mga hibang, Hindi ba't kabastusan yan Ang imulat agad sila sa condom ng may kahalayan Gusto mo sa paaralan unang ituro pa iyan "Ito ang plastic na Iigtas ano ka tila si hudas? Tawag ko sa bagay na yan ang supot ng kahalayan Tayo pa ang magsasabi subukan masarap iyan Kawawang bayan ni Juan at puro na kamunduhari lyan ay tawag ng laman hindi tiyang kumakalam Huwag ng ipamalita at sobrang nakakahiya Pati itong mga bata condom na ang mapapala

Malayang Kaisipan

: Pagha rap sa tanghalan at ipaglaban karapatan Sa mahigpit na kalaban na udyok ng kabanalan Subalit waldas naman P0 ang kanya ng kamalayan Hindi porket protektahan bastusan na agad iyan Ang wikang santo at banal ipamumukhang mo diyan Laging wika'y kabanalan heto't madumi nfl naman Agad ba ay kabastusan? Naisip ng kabataan imumulat na sa mundo hindi p0 iyon ang gusto Sabi nga nitong pilosopo si Confucious na totoo "pag-iwas so anumang laban hindi isang karuwagan." Tamang paggamit ng plastic upang hindi magkasakit Aabusihin ang pilit dito'y laging ikakabit

Konserbatibong Pananaw

:Aba! Ginoong Liberal di tutugon sa tinuran. Hihikayat sa isipan sabihin mong ligtas iyan. Nabasang pahayagan porsiyentong kaligtasan Wala pong nakakaalam kahit pa dalubhasaan Kung matapat at magalang hindi ka manghihinayang Kaya ang condom na iyan pulutin nasa kangkungan Condom na pinasisikat parang ginto ang pabalat Bakit hindi maapuhap katotohanang mailap Ginamit pa si confucious para maging "delicious" kung nabubuhay pa iyan sigurado batok ka dyan Bastos na pananalita mali ang binabalita tong Katotong mayabang isip nama'y nahihibang

Pahina 3

Malayang Kaisipan

:HalGinoong Konserbatibo, para kang isang tinidor Kulang nalang ay burador sarap mo pong itirador "Prevention is better than cure" hindi lumala para "pure" Van sabi ng mga doktor hindi p0 sila impostor Kaya sasabihin mo pa ako ay nagpapabida Paano kung makahawa di wala ka ring kuwenta Mahuhuli mo ang isda sa kanya ring bunganga kung mabuti sa kapwa hindi ba't walang masama Bakit ka papatianod sa sistemang inuuod Marami na ang nakulong sundalong may isinulong Hindi ba't walang nangyari kahit sino pang marunong Propeta at astang kulapol dila'y nagkabuhol-buhol.

Konserbatibong Pananaw

:Huwag kang ham bog taong baog takot ba sa binhing hinog At kilabot na kilabot mga mata ay naglilibot ang paglalagay ng supot sagot sa sa salitang limot kay Adang takot na takot daig pa ang batang bubot. At daig mo pa ang asong bahag sa takot ang buntot Condom na pinapamulat sa matang mulat na mulat Masayang napag-usapan pero kakadiri naman Sapagkat isipin mo lang paano itatapon yan Hindi iyan parang bulkan at sasabog kahit saan Parang baha tuwing ulan hindi na mabilang- bilang Pati ba ang paglilinis ipapakitang mabilis Parang kape may 3 in 1 parang damit buy I take 1

Malayang Kaisipan

:hmm, Ikaw ang tila bastos, propetang bintog na bintog, Tiyang mong mukhang puputok. Banal ka at maka-Diyos pero mali-mali naman depenisyon mo ng bastos. Porke't don isinusuot mata agad ay malikot Ganyan mong paniniwala bayan ni Juan'y mawawala Kung nais mong mapahiya mag-isa kang tumihaya Tingnan mo ang Amerika at bumantog sa kanila Ang Condom sa kabataan di masamang kaasalan Ito lang namang kalaban ang nagsasabing bastos yan Paano ko to nalaman aba'y balitang malaman Lahat ng dako ng bayan lto'y napag-uusapan Kaya ba ay kabaliwan Kung ayaw mapag-iwanan

Pahina 4

Konserbatibong Pananaw

:Galing mong mag-Amerika bakit di ka dun tumira Dapat sayo sa Africa kulay ng balat itim pa Akala ko'y makabayan namutawi'y kadakilaan Sinabi'y mahal ang bayan kolonyalismo ba yan? iyang supot na tinukoy sa ulo dapat matukoy mukha ka namang siyokoy sa dagat dapat lumangoy

Lakandiwa:

Sandali po at huminto pahayag tila na malayo Balikan pinapaksa p0 huwag pong tayong lumayo. Condom sa mga silid aralan ipapamahagi na claw Ano P0 ang masasabi upang hindi magsisi Turuan ang kabataan tiyak na kabanalan 0 buksan ang isipan Milenyal na kabataan Muli nating balikan talas ng kanilang isipan makatang nagtatagisan dunong at katalinuhan humarap sa tanghalan buksan ang salitaan Sa husay ng bigkasan sinong may maaasahan Humanda p0 sa paglaban dito sa harapan Muling tinatawagan umpisahan ang labanan

Malayang Kaisipan

:Ako'y nababagabag pang-unawang libag kalabang kong banal ang tunay na hangal Batid na makapamuksa makontrol ang bansa Hirap nang magsalita ivan ang pinapamalita Maagang maging magulang kung hindi maiiwasan Paggamit ng supot na lyan tanging laban ng bayan Ako p0 ay sang-ayunan hangad mabuti sa bayan Hindi dala'y kahalayan alisin ang kamang-mangan lto'y tanging kailangan sa lumulobong lipunan Huwag padalos-dalos kabayan pangakong kabanalan Hindi matatapos diyan ang problema ng buntisan Kaya atin pong sang-ayunan condom sa inang bayan

Konserbatibong Pananaw

Huwag pabubulag sa mabangong bulaklak Tinik sa mapupulang rosas mapagpanggap na mandurugas. Ang nasyong inaaruga sa pagmamahal at pagkalinga Hindi hihipo nang masama lalo't sa bayang dinakila Kung makamundong talipapa sayo ay ipapasipa sa mundong napadapa sa putik ng lupa

Pahina 5

Lurnaking pangaral ng magulang may paggalang kariino man lyang supot na pinipithaya sino ba ang mapapahiya Parang marurning lupa maputi sa sirnula putik ang mapipiga Huwag kayong tutugon hangarin kayo ay magugumon Mahalaga dangal ng nasyon hindi ng nayon

Malayang Kaisipan

: Ginoong Makagumon ikaw ang pantasyang pulpol hindi lahat kaharap santo't poon may nakalimutan ang labi noon lahat may lihim iniipon Kaya ikaw rna'y patapon Ginoo't makahatol para kang sobrang nilarnon iyong bintang wala sa panahon tingnan mo ang kahapon Hindi kami basahan kundi mga tao ring magagalang

Konserbatibong Pananaw

:Sa ginoong kalaban basehan ng busilak na kalooban Condom ipagamit na raw parang suntok sa kalabaw Baka p0 nakakalimutan turo ng simbahan Huwag pong gumamit niyan labag iyan sa kabanalan Ang pagpatay ng tao hindi na ba mapipigalan Sampung utos kasama yan inyo sanang balikan Bakit ka maniniwala sa magaling mamula Taong aligagang-aligaga maraming hiwaga Pa rang Condom sa simula tila tayo'y mulala May "flavor" at "coloring" parang celiphone may ring Ano Ito pagkain? Sa darning maihahain Maraming pagpipilian hindi alarn kung ilan

Lakandiwa

: Sa makata'y walang itulak ikabig rnahirap masarnbit sa bibig Tagisan sa balagtasan Pinoy champion kahit saan lyan P0 ang inaasahan dito sa ating tanghalan Subalit kailangan husgahan huling balitaktakan Ginoong itataas ang morall o nagbibihis na lipunan Hihilingan p0 sa dalawa tapusin na ang laban sabihin sa madla ang huling salitaan upang mahusgahan kung sino ang lamang Ngayon po'y pumagitna sa huling labanan Tapusin sa maganda ang pinagdedebatihan

Malayang Kaisipan

: Condom hindi rnasarna kung gagamitin sa tama Upang sakit hindi makatama makabuntis ay masama Ating huwag kalimutan ang lurnolobong lipunan Mahirap na nga ang bayan dadami pa si kabayan Sa kabataang milenyal liberal na mamamayan Tulungan natin ang bayan huwag nating pabayaan

Pahina 6

Konserbatibong Pananaw

:Akin ang condom na iyan hindi para sa murang isipan Imumulat lang natin sa mundong makasalanan Usaping hindi pampaaralan huwag pong pabayaan Ang kabataan lamunin ng maruming kasangkapan Sa Liberal at mga taong modernong "caveman." Gawaing nais tularan gawang taong "ape man" Ang gawaing iyon ay banal regalong bigay ng Maykapal Taong kanyang pinakamamahal handog na may dangal kapag may "vendoo" na tindahan piso lang pwede kahit saan Maging ito man ay hindi nila kasintahan nasaan dangal at kahihiyaan Pilipinang pinepedestal kagaya ni Gat. Jose Rizal Matapang at walang inuurungan ngayo'y didiligan Bakit mo dudungisan ang pangalang ibinandila Berdugo ka na nga yata nagaga lit parang bata Huwag maibigay ang gusto mamato ng bato Huwag maging pato lilipad kung kelan gusto Kayo po ang humatol kung kayo ay papatol Magiging "In" na ngayon condom na ang baon

Lakandiwa

: Ating narinig huling sambit tagahatol ang maiipit Sa hatol na sasapit tiyak mamimilipit Kung hatol nasapit ang makatang sumabit Mga pahayag na pitpit tulad ng ibong tiririt Loob niya'y ipit hanggang huling sambit Pahayag na maliit luha ang bitbit Kailangan may tanghaling Panalo usaping sino ang tab Ngunit ayon sa desisyon dilang kumati ngayon Usiserong nagsipagmeron tengang nabusog ngayon Ayon sa inampalan kayo claw ang magdesisyon Sapag-uwi kayo'y lumingon sa condom ba'y babangon balak ipamigay sa paaralan ituro sa kanilang leksyon Ayaw nilang masisisi ang sibilisasyon manabo puro ekspekulasyon.

Inihanda at isinulat ni: G. Nino Fernando E. San Diego guro sa Congressional NHS

Pahina 7

Dibisyon ng Panlunsod na mga Paaralan ngDasm - S

Jul 12, 2017 - Maging sa pagkain , at mga gawain, lahat ay gumaan di maililihim. Nakakapagsaliksik gamit ang" Internet "modernization ay nasa paligid. Teknolohiya'y gamit maging sa medisina agad nasisilip ibat-ibang sakit. Ultrasound, MRI , X'ray ,lazer at iba pa nakatutulong di mo ba nababatid? Katwiran lamang ...

11MB Sizes 11 Downloads 311 Views

Recommend Documents

Dibisyon ng Panlunsod na mga Paaralan ng ...
Ang Dibisyon ng Panlunsod na mga Paaralan ng Dasmariflas ay magsasagawa ng. Pandibisyong Pantas-aral at Pagsasanay sa mga Estratihiya at Sining ng ...

Dibisyon ng Panlunsod na mga Paaralan ng ...
Rehiyon IV — A CALABARZON. Kagawaran ng Edukasyon. Dibisyon ng Panlunsod na mga Paaralan ng Dasmaririas. PANDIBISYONG MEMORANDUM.

Dibisyon ng Panlunsod na mga Paaralan ng1imn
journal, pahayagang pangkampus, atbp.) mga naisagawang seminar o palihan, mga nadaluhang seminar o palihan, at iba pang proyektong may kaugnayan sa ...

Kagawaran ng Edukasyon ng Panlunsod na mga ...
lpjnababatid sa mga kinauukulan ang budget of work sa markahan na gagawin ng bawat paaralan. Ito ay napagkasunduan sa panahon ng Pandibisyong ...

r' ' f Dibisyon ng Paniunsod na mga Paaralan ng ...
Ang patakaran sa partisipasyon rig mga guro at mag-aaral sa parnpubliko at pampribadong paaralan ay da.pat naaayon sa no-disruption-of-classes polic,y na ...

ang-aklat-ng-mga-dhikr.pdf
kapag ang pangalan o ang taguri ni Propeta. Whoops! There was a problem loading this page. Retrying... Whoops! There was a problem previewing this document. Retrying... Download. Connect more apps... Try one of the apps below to open or edit this ite

Agapay Kalinga at Kwentong Alay ng mga Pharmaceutico (AKKAP ...
Agapay Kalinga at Kwentong Alay ng mga Pharmaceutico (AKKAP) 10th Storytelling Contest.pdf. Agapay Kalinga at Kwentong Alay ng mga Pharmaceutico ...

Bilang 1 , s.2017 Sa mga: OIC, Pangalawang ...
Apr 25, 2017 - School, Lungsod Dasmariñas. 2. Ang layunin ng Seminar ay ang mga sumusunod: a. Maiangkop ang kasanayan at kakayahan ng mga guro ...

Na Fianna Nuacht - CLG Na Fianna
Full fixture list on website, best of luck to all teams and all support .... Our single U13 camogie squad won the Division 2 shield in a hard fought final in Phoenix.

Na Fianna Nuacht - CLG Na Fianna
Many emails have been received from the participating clubs and also from ... continues to show that CPR competency and proficient use of the Automatic.

Na Fianna Nuacht - CLG Na Fianna
Jan 20, 2015 - Congrats to Meadhbh Ni Dhálaigh on her Leinster Senior Colleges stylish ... The online payment facility on the Club website has been updated ...

Na Fianna Nuacht - CLG Na Fianna
Jun 14, 2015 - Hurling championship this weekend with Inters hosting Castleknock in Mobhi ... an important facility for the Na Fianna club as an adult football.

Na Fianna Nuacht - CLG Na Fianna
Jan 20, 2015 - be held in the Club on the most appropriate of all nights, Valentines night ... not covered by Players Injury Schemes for any injuries incurred ...

Na Fianna Nuacht - CLG Na Fianna
After drying off, the crew headed to Cooley Kickhams where they were hosted by one of the country's most famous clubs and were joined by visitors from nearby ...

Na Fianna Nuacht - CLG Na Fianna
at all times when attending matches or training sessions or just being on club ... As previously covered in Na Fianna Nuacht, Club member Louise Rainford is ...

Na Fianna Nuacht - CLG Na Fianna
... Junior team with Gráinne Ryan, Tino Kelly, Laura Mulvey and Gráinne Free who ... See Club website www.clgnafianna.ie for application forms and direct debit ... played in years as the training sessions will soon build up fitness and skills.

Na Fianna Nuacht - CLG Na Fianna
Full fixture list on website, best of luck to all teams and all support .... Whatever is collected will be then sold in bulk to an approved recycling company. Lost & ... Ghosts, devils, a host of spidermen and the odd batman made it a great morning's

Na Fianna Nuacht - CLG Na Fianna
Fianna's pitchside advertisers. All information now available on club website www.clgnafianna.ie ... and now includes links to our. Twitter and Facebook page.

Na Fianna Nuacht - CLG Na Fianna
hard work and preparation the team could do with the support of all the Club. ... Best of luck to all teams and all support welcome. Full fixture list on website. .... customers can also 'vote' with their receipts for other local Clubs including Erin

Na Fianna Nuacht - CLG Na Fianna
Jun 14, 2015 - Hurling championship this weekend with Inters hosting Castleknock in Mobhi Road on ... See Club website www.clgnafianna.ie for application forms and direct ... services to individual membership cards being withdrawn.

Na Fianna Nuacht - CLG Na Fianna
Antrim. Best of luck to Dublin U-16 Footballers including Na Fianna's David ... See Club website www.clgnafianna.ie for application forms and direct debit mandates. ... played in years as the training sessions will soon build up fitness and skills.

Mga Tagapamayapang Pandaigdig.pdf
pag-aaral ng tanyag na pangungusap na ito: Ano ang maaaring kahulugan ng pangungusap na nasa itaas? Kadalasan, ang mga pagkakaiba sa ating kultura ang karaniwang sanhi ng di- pagkakaunawaan at di-pagtitiwala ng bawat tao sa mundo. Ang “isipan ng ta

176_23_Rabota-na-uchitelq-s-problemni-uchenici.pdf
ADHD (attention-deficit/hyperactivity disorder), Students with EBD (Emotional and Behavioral Disorders/Diffi- culties), Withdrawn Students, Kid-bulls. „ТРУДНИ ...

Những Con Gấu Bông
lớp, bao giờ nó cÅ©ng cố thu mình rụt cổ nấp sau lÆ°ng mấy đứa bàn trên, lòng chỉ mong sao cho các thầy cô - tất nhiên là trừ thầy Đoàn dạy thể .... Say mê hiểu biết, nó đã giở từ điển cặm cá